Saturday, January 5, 2008

Senti

Totoo talaga ang kasabihang pag hinahabol mo ay nagpapahabol. Pag di mo hinahabol, sya naman ang kusang lalapit sa iyo. Hirap espelengin ng tao (kasama na ako doon, hehe). Minsan, mahirap talaga intindihin ang gusto ng isang tao.

May mga pagkakataon din na hindi napapahalagahan ang kasalukuyang pagkakataon at manghihinayang na lang kung ito ay mawala na at mahirap ng maibalik. Ganoon ba talaga ang takbo ng isip at tibok ng puso ng isang tao? Tuloy kung minsan, nakakatakot at nakakaphobia na rin ang magtiwala at maging malapit dahil sa bandang huli ay masasaktan ka rin.

Pero kelangan mo ring sumugal. Kelangan mo ring maglakas loob kesa sa magkulong at magbakasakaling meron kang mapapatunayan. Mas maraming mga pagkakataon na madaming pagsubok at hirap ang dadanasin mo, kaya sa iyong pag akap ng mundong gusto mong galawan, kelangan mo ring ihanda ang sarili mo sa mga sugat at dagok ng pagsubok. Ang iyong katatagan ang syang susukat kung anong klaseng tao, kung ano ang kaya mong gawin, at kung ano ang kaya mong mapatunayan.

Lahat tayo ay lumalangoy sa agos ng buhay. Katulad mo, patuloy din akong sumasagwan. Malay mo, minsan, magkatagpo ang mga bangka natin at sabay tayong sasagwan para maging magaan at madagdagan ng kulay ang buhay.

Senti ba? More to come…

Finding Daniel Tobey

Wow! Grabe! Imagine, di pa tapos ung write ups ko tungkol kay Tobey, sa kakabrowse ng friendster ay nakita ko ang link nya. Isang picture lang nya ay kinabahan agad ako. At di nga ako nagkamali, sya nga yon. After 1 year, syang sya pa rin yon.

Mahirap ma express ang kabang naramdaman ko. Nagflashbak bigla ang mga pangyayari sa buhay ko na kasama sya. Nakakatuwa. Nakakaaliw. Nakakabaliw. Haha. Di ko talaga ma explain kung ano ba talaga. Kakapraning. Hehe.

Artistahin talaga si mokong. Pag nakita mong bumilog ang mga mata, halos ayaw mo tantanan ng titig. At pag ngumiti, hinayupak talaga, laglag salawal mo bigla. Sabayan pa ng magaganda nyang ngiti at bumibilog na mga pisngi, hay ang sarap talagang panggigilan ang lokong ito.

Kaya eto ako, di magkandaugaga ng pagcopy ng kanyang pics. Haha. Kahit walang pahintulot. Peace man. Sobrang saya ko lng at sa wakas, nakita rin kita.

Pero ako ata ang nasurprise to the maxxxx. Parang pepsi hehe. Out na si mokong. It seems ready na syang mag explore ng mundo ksi kitang kita sa mga posted pics nya. Malayo pa ang mararating nito at marami pa ang maloloko sa kanya.

I guess ang masasabi ko sa kanya ay “ROCK ON, BRO”. Stay happy and celebrate life.

Friday, December 21, 2007

Daniel Tobey:Isang Disyembreng Alaala - Unang Bahagi

"Tuloy ba tayo mamya?"

"Oo. Sige. Pupunta ako."

"Anong oras tayo magkikita?"

"Hintayin mo ako ng mga bandang alas dyes."

"Sige. Tamang-tama yan. Doon ka na lang sa bahay manananghalian."

Unang linggo ng Disyembre taong 2005. Unang pagkikita namin ni "Daniel Tobey." Naganap ang aming mga unang pagkakilala sa isa't-isa bandang huling linggo ng Nobyembre ng taong ding iyon at nakakabiglang isipin na magkikita agad kami ng sumunod na linggo.

Nakakabilis ng tibok ng puso at kakaibang excitement ang naramdaman ko ng gusto din nyang makipagkita sa akin. Sa totoo lang, nakita ko na sya sa webcam kaso lang simbilis ng rumaragasang sasakyan ang pagdaan ng kanyang muksa sa cam kaya di ko rin sya namukhaan maige. Pero sa likod noon, di rin akong nag atubili na kitain sya.

Medyo huli na syang dumating. Mga 30 minutong huli sa takda naming usapan. Naintindihan ko naman kung bakit sya late kasi galing pa sya ng Laguna. Nakakatuwang isipin na lumuwas pa sya ng Maynila para makipagkita sa akin at talagang sincere nga sya. Nagkita kami sa Galeria sa tapat ng Ministop.

Galing ako sa loob ng National Bookstore kung saan naghahagilap ng mabasa para di ako maiinip sa pag-antay sa kanya. Pagkatapos ng kalahating oras ay dumating na sya. Nakatayo sya sa harap ng Ministop, kulay yellow ang t-shirt. Di naman sya maporma, katulad sya ng mga kabataan ngayon na shirt, maong pants, at sneakers ang nakagawiang suotin. Medyo angat sa patpatin ang kanyang katawan, ung me laman naman. Hehe

Ng masilayan ko ang kanyang mukha, napa "wow" ako sa isip ko. Kung napanood nyo sa Bryan Termulo ng Pinoy Pop Superstar Year 3 noong naging weekly contestant pa lang sya, aakalain mong magkapatid sila. Kung gaano kapayat si Bryang noong panahon na iyon ay ganon na ganon ang katawan nya.

Maganda ang tindig (sa susunod nyo na malalaman kung bakit), pag tumingin ay nakakatunaw, at pag ngumiti, tumitindi lalo ang sex appeal. Ang ganda nyang ngumiti. Bumibilog ang mga pisngi tuwing sya ay ngumingiti. Pareho kaming maputi. Yon nga lang, mas matangkad sya ng 3 pulgada sa akin.

"Ako si ......."

"Tobey."

Nagkamayan kami. Malambot ang kamay. Sarap pisilin.

"Eto ako, di kagwapuhan. Baka magbago isip mo, ok lang sa akin."

"Di po ako tumitingin doon."

Medyo me nabanaag akong liwanag.

"Paano na? Saan mo gustong pumunta? Kain kaya muna tayo?"

"Sabi mo isasama mo ako sa inyo. E di doon na lang tayo."

"Sigurado ka?"

"Oo naman."

Daig ko pang nanalo ng jackpot sa lotto.

Pasakalye Muna - Kakapagod na mga Partee

Grabe! Ilang araw ding sunod-sunod na mga party ang nangyari ngayong linggong ito. Palaging pagod ang katawan at me mga oras na gusto ko ng sumuko. Maliban kasi sa nakakabutas ng bulsa, e nakakapanghina na rin. Nakakawala ng lakas kahit na sabihin mo pang halos bumaha na ng mga pagkain. Nakakasawa din pala ung palaging ganon ang mga nangyayari. Pero ang kagandahan lang, iba't ibang mga tema ang meron sa mga kasiyahang ngayong Pasko. Kaya kahit papano, enjoy na rin.

Sa mga nagpaparty dyan, enjoy ang mga pagkakataong ganito. Paminsan-minsan lang ang ganitong mga pagtitipon at kasiyahan. Pupwedeng sa susunod na mga kasiyahan ay hindi na kumpleto ang lahat at talaga namang nakakamis na pag ganon ang mangyayari. Habang me pagkakataon at panahon na magkakasama at makikipagsaya, lubusin na at habambuhay na sariwain. Pero dapat ding merong disiplina sa sarili. Dapat matuto ding magcontrol at wag puro sige-sige na lang.

Sa lahat, maligayang pasko.

Monday, December 17, 2007

Sopas Na Naman!

Pangalawang araw ng hindi ako nagkakanin. Wow! Lupit! Ano ba ang nakain ko at nakaya kong hindi magkanin. Hehe. Wala lang. Nagpapaimpis ng tyan. Haha. Hirap pag ganitong mga panahon. Sunod-sunod ang mga party at me mga time na mahirap labanan ang kaway ng mga nakakatakam na mga pagkain. Pero kagaya nitong tumatanda na tayo (inamin, hehe), kailangan maghinay-hinay lang. At saka wala naman masyadong ginagawa kaya nakakaya ng walang kanin.

Ano nga ba ang pwedeng kainin para hindi ako manghina? Ayun! Naningkit ang mga mata ko. Sopas na naman! Haha. Ano pa nga ba, e di ang walang kamatayang Knorr Chinese soup. Mahilig pa naman akong maggrocery ng mga sopas ng Knorr tapos iba’t ibang flavors pa. Yun nga lang, minsan isang lingo lang ako nagluluto nito. Mahirap na at hindi rin nakakabuti sa katawan ang mga pagkaing ganito pag madalas na nilalantakan.

Pagkatapos ng ilang minuto, ayun pwede ng magpakalunod sa sarap ng sopas. Tapos, nakaline-up na ang mga gagawin ko. Dami nga e. Maghugas ng plato, maglinis ng kwarto, at ang malupit sa lahat, maglaba. Haha. Mapapalaban na naman ang mga powers ko sa labahan ksi wala namang washing machine. Hay ang buhay, mahirap na masarap. Di bale, sabi ko sa sarili ko, pag nakalipat na ako ng tirahan ang una kong bibilhin ay washing machine.

Ahhh! Sarap humigop ng mainit na sopas. Praning, kahit na tanghaling tapat sopas ang brunch. Basta walang kokontra, trip ko ‘to. Haha.

Sige, sa susunod na post, mga pampainit naman ang ihahain ko. Mas mainit pa sa sopas na inienjoy ko ngayon.

Sunday, December 16, 2007

Mga Kwentong Pampainit

Wala akong ginawa sa maghapong ito kundi ang mahiga at manood ng series ng HEROES. Gusto ko sanang pumunta ng Divisoria o Quiapo o di kaya sa SM para makapambili ng pangrelago ngayong Pasko kaso naisip ko na sobrang dami ng tao ngayon. Kaya nakuntento na lang ako magkulong sa kwarto ng buong araw.

Matapos magsawa sa kapapanood, naisipan kong mag internet at naisipang buksan ang mga dating sites na nabibisita ko. Napagtuunan ko ng pansin ang www.kwentongkalibugan.net at ayun, matapos magbasa ng ilang mga kwento, pumundalit na din ang mga katas ko. Result ito ng mga naipong init na hindi nailabas sa mahabang mga oras. Hehe

Ang mga gayong tipong babasahin ang magbibigay ng diliryo sa isang malayang imahinasyon na marating ang kalangitan at rurok ng init ng katawan. Ang pagdilig ng isip ng mga ganitong tema ang bumubuhay sa alab ng damdamin at pagnanasang sadyang naghahanap ng tamang pagkakataon para paalpasin.

At pag narating na ang inaasang kakaibang alapaap, kusang humuhupa ang init na nakakapaso at napakasarap mahiga at ipikit ang mga matang parang dinuduyan para matulog, makapagpahinga at makaipon ulit ng lakas.

At sa muling pagdilat ng mga mata at pagbangon ng katawan, malamang ang init na humupa ay muling aalab.

Me Dahilan

Matagal ko na 'tong gustong gawin, ang magpost ng kakaibang mga karanasan at mga pangyayari sa buhay ko pero dahil sa madalas sumpungin ng katamaran, laging saka na lang. Siguro eto na ang pagkakataong 'yon.

Ano nga ba ang dahilan? Siguro madami, me kababawan, me kalaliman. Pero kahit ano man 'yon, ang mahalaga, eto na ang simula non. Sabi nga, hindi na kelangan ang mahabang paliwanagan, kung ano man 'yon - tanggapin na lang. Basta hindi nakakasakit at hindi nakakasagasa, ok lang 'yon.

Patnubay na lang sa mga mambabasa. Kung hindi nyo trip ang tema ng blog na ito, 'wag nyo na lng pag aksayahan ng panahon. At sa mga taong malawak ang pang unawa, maraming salamat po.